Monday, August 25, 2014

Wika Ng Pagkakaisa




Sa lahat ng sulok ng Pilipinas, makakarinig ka ng iba-ibang wika katulad ng Iloco sa Ilocos , Waray sa Leyte, Ilonggo sa Iloilo, Kapangpangan sa Pampanga. Ngunit may nag iisang wika na alam ng lahat ito ang ating Pambansang Wika, ang wikang "Filipino"
Ang wikang Filipino ang siyang nagsisilbing gabay upang tayo ay magkaisa. Ginagamit natin ito para magkaintindihan tayo. Kung nagkakaintindihan tayo, magkakaisa tayo at pag tayo'y nagsamasama uunlad ang ating bansa. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang lugmok sa kahirapan, kailngan nating mag kaisa para malampasan natin ang kahirapan at sa ating pagkakaisa, magiging masaya ang ating bansa.
Pahalagahan natin ang ating Wika, upang tayo'y mag kaisa. Wag natin itong balewalain dahil mahalaga ito.
Magkaisa tayo para umunlad ang bayan natin. Mahalin ito at pahalagahan.

1 comment: